PERO HINDI SI Aaron ang tumambad sa akin kung hindi isang lalaking hindi ko kilala. Sino naman ito? Halos ka-edaran ko siya o mas matanda nang ilang taon sa akin. Mid-thirties, perhaps? “Magandang gabi, Miss Abellana. Ako si Chief Paulo Balbastro. Pasensiya na sa abala. Gusto ko lang ipaabot sa ’yo na iniimbestigahan na namin ang mastermind na itinuturo ng suspect. Ang sabi niya ay ang artistang si Sandra Arnaiz ang nag-utos sa kaniya para takutin ang pamilya n’yo. May ilang katanungan lang ako. May alitan ba kayo?” “Galit si Sandra sa akin dahil sa ex-boyfriend niya na ex ko na rin ngayon.” Napangiwi si Chief at saglit na lumitaw ang biloy sa kanang pisngi. Siguro kung hindi ko nakilala si Kaluluwa ay masasabi kong guwapo rin ang lalaking nasa harap ko. Kaya lang, masyadong itinaas ng