VEGRENORA COVE WAS absolutely beautiful. Nagpasama ako kay Andrew at Maya papunta rito at kahit mukha akong third wheel sa kanilang dalawa, hindi nila iyon ipinaramdam sa akin. Hindi kami nagdala ng kahit ano bukod sa pamalit at pangligo. Highly recommended ni Andrew ang mga pagkain ng resort. Nakakatawa nga kanina kasi tamang duda si Maya noong sabihin niya ang tungkol sa pagkain. Sino raw ang naging kasama niya sa resort. Of course Andrew denied bringing a woman here. Sino ba naman ang lalaking aamin? But then again, there’s always three sides of the story -- each other's side and the truth. Napipikon na si Maya habang si Andrew naman ay walang tigil ang paglalambing dito. A few minutes later, bumigay din si Maya dahil mahal nito ang nobyo. Sana ganoon lang kadali ang lahat ng bagay, a