PULA? IT TOOK ME awhile to put two and two together. Ang bango kasi ni Aaron, b*wiset! I didn’t realize how much I missed him until ganito kami kalapit sa isa’t isa. Ang ibig sabihin pala niya sa magiging pula ang dagat ay dadanak ang dugo. Overacting din ang isang ito, eh. Akala mo naman may laban ni Lapu Lapu at Magellan kung makapag-amok ng away. Para two-piece bathing suit lang naman ang suot ko. Ano pa kaya kapag nag-top less ako? Sa Spain nga, normal na ’yon. Aba Zia, baka nakakalimutan mong prinsesa ka? Hindi lang kutos ang aabutin mo sa Papa mo. Napangiwi ako sa naisip ko. “Puwede ba? Ang lamig ng polo mo tapos ipapasuot mo sa akin? Basa kaya ito!” angil ko sa kaniya. Habang yakap niya ako ay rinig ko ang tungayaw ni Sandra. “Baby, why the h*ll are you hugging that woman!? Bumal