MAY SINUSUPIL NA ngiti si Mama at parang alam ko na ang ginawa niya. Sinabi niya sa aking ama ang tungkol sa pakipagpalit ko kay Ate Len at ang tungkol kay Aaron. Kill me now. Ang ipinagtataka ko ay ang mga asal ni Papa. Instead na ako ang tanungin kanina ay si Alvaro. Kinakabahan ako sa mga nangyayari. “Mama, why are you back so early?” tanong ko sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at humalik sa pisngi niya. “The meeting was done early and your father wanted to take me out on a date. He wants to take me to the first restaurant where we had our first date.” “Really? That’s exciting.” “Thanks to you,” nangingiting sabi niya. “What? Why? I didn’t do anything.” Ikinawit ng aking ina ang braso niya sa akin at naupo kami sa sofa. Ang kasambahay namin ay binigyan kami ng tsaa at saka namin