GULAT ANG UNA kong naramdaman noong nakita ko siya sa grand hall. Akala ko noong una ay namamalikmata lang ako dahil unang una, hindi niya alam kung sino talaga ako. Hindi nga niya ako hinayaang magpaliwanag. Pangalawa, hindi ko alam kung paano siya nakapasok. Istrikto ang mga guwardya namin at kung magtrespass siya ay siguradong sa sementeryo siya pupulutin. At pangatlo, bakit siya pupunta rito? At parang hindi pa sapat, dumating pa si Leopoldo. “Zia, I—” “Oh, you remember my name? That’s impressive considering you didn’t listen to me,” sabi ko sa kaniya. “Could you just listen to me, please?” “What for? Aren't we done? You ended it. So what are you doing here?” “If you could just lis—” “You’re just wasting your time,” wika ko. “Zia, hear me out first.” “Inuutusan mo ba ako?”