GRAND. THAT WAS the only way to describe the interior of this castle. Kahit naman sa labas, sobrang laki ng palasyo at pati ang labas, parang walang katapusan ang natatanaw kong lupa na balot ng berdeng damo. Hindi ako makapaniwala na dito kami didiretso ni Alvaro. Alas-tres pa lang ng hapon pero pakiramdam ko malapit na akong masintensiyahan. Nakarinig ako ng mga yabag at nang lingunin ko ’yon ay nagtama ang mata namin ng babaeng ilang araw ko nang hinahanap-hanap. Ang ngiti niya ay biglang napawi. Ang asul niyang mata ay nagmistulang yelo na nakatingin sa akin pero wala siyang sinabi at sa halip ay humakbang palayo sa akin. Gusto ko siyang habulin if not for the man who called her name. “Letizia, esperar,” sabi nito. (Letizia, wait.) Si Zia ay pumihit at ngumiti sa lalaking tumawag