Kabanata 23 "Audrey, gumising kana at may bisita ka, sundo mo raw!" Malalakas na katok ni manang sa pinto. Mabilis ang balikwas ko ng bangon sa narinig. "Sus ke aga-aga naman nang sundo mo." Narinig ko pang salita nito habang naglalakad palayo. Kunot noo akong bumangon at mabilis na naligo at nagbihis para maghanda sa pagpasok. Agad akong bumaba para sinohin ang sinasabi ni manang dahil wala akong inaasahang bisita ngayong araw, lalo na ang ihatid ako sa pagpasok ng Ospital. "Evan?!" Bulalas kong sabi na siya namang agad na tumayo. Mabilis ang ginawa kong paghalik sa pisngi nito at hinarap siya.. "What are you doing here? Paano mo nalaman itong saamin?" Hinila ko siya pa balik ng upo sa sofa at humarap sa kanya na sumandal at nag de kwatro saakin. "Its Maicy, madali naman mahanap ang

