"Kumain na kayo. Kumain kayo ng marami. Alam kong gutom na gutom kayo," sabi ni Marjorie. Agad nitong dinala sa isang mamahaling restaurant sa Dubai ang dalawang kaibigan matapos silang payagan ng mga awtoridad ng bansang iyon na puwede na silang umuwi muna. Kumalat na rin sa balita ang pagkakaligtas nila na umabot na rin hanggang Pilipinas. Natuwa ang maraming tao dahil ang inaasahan nila ay walang nakaligtas sa pagbasak ng eroplanong iyon. Isa raw himala na may dalawang buhay pa na na-rescue! Kaya naman naging instant sikat sina Noel at Ruby sa TV, pati na sa radyo, at lalong-lalo na sa social media. Trending agad ang kanilang pagkakaligtas. Pinag-uusapan ng lahat ng tao ang himalang pagkabuhay pa nila sa malayong desyerto. Pero syempre marami rin ang nalulungkot sa sinapit nina Licienn