"Hindi niyo ba nagustohan ang luto ko?" medyo may pagdaramdam ang boses na tanong ni Marjorie sa dalawang kaibigan dahil konti lang ang nakain ni Noel habang si Ruby ay halos hindi nito ginalaw ang pagkain. "Ahmm.. H-hindi naman, Marjorie. Ang sarap nga, eh. Kaso lang kasi busog pa kami sa kinain namin kanina sa restaurant," nahihiyang sagot ni Noel sa kaibigan. Nagkasulyapan sila ni Ruby. "Gano'n ba?" parang 'di naniniwala na saad ni Marjorie. "Hon, it's delicious! Don't be sad! Don't worry I will eat all this for you!" Buti na lang at alo ni Shairo sa asawa. Napangiti naman si Marjorie sa butihin niyang mister. Ngunit hindi na nito maiwasang magtaka kina Noel at Ruby. Tipid na ngiti ito sa mga kaibigan na palipat-lipat ang tingin. Parang may kakaiba na sa dalawa nitong kaibigan. Si