"R-ruby, b-bakit?!" Nahintakutan si Marjorie sa kaibigang ngayon ay kaharap. Nakangisi kasi si Ruby at iba ang tingin nito. Tumahip ang matinding kaba sa dibdib ni Marjorie. Napalunok din ito ng laway. Bumaba ang tingin ni Ruby sa makinis at maputi na braso ni Marjorie na kanina pa niya pinagnanasaang kainin. Subalit nagdalawang isip siyang gawin ang balak. Naalala niya kasi bigla si Noel. Siguradong magagalit si Noel kapag ginawa niya ang gusto niya kay Marjorie. Tapos ay naisip niya na nandito pa pala sila sa banyagang bansa. Kapag ginawa niya kay Marjorie ang ginawa nila kina Licienna, Rica, Gilbert at Aliyah ay siguradong hindi na sila makakabalik sa Pilipinas. At siguradong mapapatay rin siya ni Noel oras na galawin niya si Marjorie ngayon. Siguro ay dapat tiisin niya muna ang gutom