Pagod na pagod si Noel na napaupo, pawis na pawis din siya. Pagkatapos niya kasing kainin ang ibang bahagi ng katawan ni Rica at sipsipin ang sariwa nitong dugo ay inilibing niya na ito sa buhangin, pero syempre sa mababaw lang para bukas ng gabi ay madali niya ulit itong makakain. Nang makapagpahinga siya konti ay tumindig at tinungo na niya ang dagat. Tulad no'ng kinain niya si Licienna ay nilinis niya ang mga dugo ni Rica na kumapit sa kanyang katawan. Mabilis lang niya iyon ginawa dahil baka mawala na naman siya ng katinuan tulad no'ng gabi na nakita na lang siya ng mga kaibigan niya na tulala sa tubig dagat. Ayaw niyang maulit iyon at baka paghinalaan na siya. Tapos ay maingat siyang bumalik sa tinutulugan nilang magkakaibigan. Tulog na tulog pa rin ang lahat. Wala silang kaalam-a