ALAS-ONSE na ng gabi nang makarating si Travis sa bahay nila. Tahimik siyang bumaba ng kaniyang sasakyan at dinako ang daan papasok sa bahay. When Travis reached the door, he opened it. Nang bumukas iyon, agad siyang dumiretso sa kaniyang kuwarto. Pumasok siya sa loob at hindi na siya nagulat nang makitang nakahiga roon si Samantha. Parang bulateng inasinan ang babae sapagkat nang makita siya nito, halos tumalon ito sa kama at lumapit sa kaniya. "Where have you been, Travis? I-I've been waiting for you for four hours. I'm calling you, but you didn't answer me. May problema ba? And, huwag mo nang pansinin iyong sinabi ko kanina. I am okay now. My doctor came here personally to check on me, and she told me I was fine. I am not mad at you, Travis. I understood yo—" "You should be happy now!