DAHAN-DAHANG iminulat ni Isabella ang kaniyang mga mata nang magising ang diwa niya. Kulay puting kisame ang bumungad sa kaniya kaya naguguluhan niyang iginala ang mga mata at doon lamang napagtanto ni Isabella na nasa ospital siya. Base na rin sa mga gamit, nakumpirma talaga niya kung nasaan siya. "Anong ginagawa ko rito?" tanong niya sa sarili at dahan-dahang umupo sa kinahihigaan. Sakto namang bumukas ang pinto at bumungad ang nobyo niya sa kaniya. Nang makita ni Travis na gising na si Isabella, tumakbo ito patungo sa babae at nag-aalalang hinawakan ang kamay nito. "Ayos ka lang ba, Isabella? Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo? May kailangan ka ba? Tell me, sweetheart." "Maayos lang naman ako, Travis. W-Wala akong nararamdamang sakit ngayon. Pero bakit ba ako nasa ospi