LIMANG na taon ang nakalipas... "Iyan, maayos ka na. Ang guwapo-guwapo mo talaga, anak. Manang-mana ka sa daddy mo. Huwag kang makulit sa school, ha?" nakangiting wika ni Isabella matapos ayusin ang uniporme ni Irvan. "Opo, mommy. Excited na po akong pumasok. Gustong-gusto ko na po talagang pumasok sa school noon pa. I love you, mommy." "I love you, too, anak." At masuyo niyang hinalikan ang pisngi ng anak bago ito inakay na makababa sa kama. Hinawakan niya ang kamay nito at sabay silang lumabas sa kuwarto upang bumaba dahil baka magalit na si Travis at kanina pa iyong naghihintay sa ibaba. Nang makababa ang mag-ina, dinako nila ang pinto at mula sa garahe, namataan ni Isabella ang asawa. Nakasandal ito sa kotse nito habang nagsisigarilyo. Nang bumaling ang asawa sa kaniya, pinanlakiha
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books