INUPUAN ni Travis si Albert at sunod-sunod pa itong pinagsusuntok. Pero agad nakabawi sa kaniya ang lalaki. Agresibo siyang itinulak ni Albert na nagpahiga sa kaniya sa lupa at ito naman ang nagkaroon ng pagkakataon na upuan siya. After sitting on his stomach, Albert punched him on his face numerous times. Imbes na masaktan, tumatawa lang siya habang walang humpay ito sa pagsuntok sa mukha niya. Mayamaya pa ay may naisip siya. Hindi na siya nagdalawang isip ng mga sandaling iyon. Dinakma niya ang nasa pagitan ng mga hita nito at walang awa iyong pinisil nang madiin na nagpadaing dito. Agad itong tumayo at sinapo ang p*********i. Tumayo rin si Travis upang sugurin ito sa ikalawang pagkakataon. Pero hindi pa man niya tuluyang nalalapitan si Travis nang may biglang humawak sa braso niya. Na