"ANONG ginagawa mo rito, Albert?" tanong ni Isabella imbes na sagutin ang tanong nito sa kaniya. Nakita niya ang pagbuntong-hininga ng lalaki bago ito bahagyang naglakad palapit sa kaniya. Umatras siya dahil ayaw niyang makaharap ang lalaking ito. Ngunit sa gitna nang pag-atras, bigla na lang siyang natigilan nang may humarang sa likuran niya. Nakakunot-noong hinarap iyon ni Isabella at nakita niya si Travis. Nakatingin ito sa direksyon ni Albert habang parang may pagkatalim ang tingin nito roon. "Travis?" aniya. "At sino ka?" mayamaya pa'y tanong ni Albert na nagpabaling sa kaniya rito. "Siya si Travis, Albert. Nagmagandang-loob siya sa aking samahan ako rito," tugon ni Isabella. "Akala ko'y nobyo mo. May pagkakataon pa pala ako para ligawan ka." Halos malaglag ang mga mata ni Isabe