"OH MY, GOD! Oh my, God! M-My daughter. No, please, please, tell me it's just a nightmare..." humahagulhol na bulalas ni Shane habang yakap-yakap ang anak na si Samantha. Nasa morgue sila ng mga sandaling iyon. Nandoon sina Lazarus, Shane, Sean, at syempre, si Travis. Tahimik na nakatayo si Travis sa tabi ng pinto habang nakamasid sa kanila. Balot ng kulay puting kumot ang buong katawan ni Samantha dahil wala na itong buhay. Until now, gulat na gulat pa rin si Travis. Para bang nakikita pa rin niya sa kaniyang isipan ang ayos ni Samantha sa kama kanina nang matagpuan niya ito. She's bloody. Halos maligo na ito sa sarili nitong dugo. Namatay ito dahil sa natamo nitong saksak sa katawan. It's a lot. Mahigpit dalawampu ang saksak ni Samantha sa katawan nito kaya ngayon, palaisipan sa kanila