NAIINIS na napamulat ng mga mata si Travis nang marinig ang sigaw ni Samantha. Kapagkuwan ay bumukas ang pinto ng banyo at pumasok doon si Samantha habang karga si Troy. Napakunot-noo si Travis ng mga sandaling iyon. Samantha locked the door and approached him. He's currently in the bathtub habang nakalubog ang katawan niya roon. "Travis, someone tried to kill us!" humahangos na sambit ni Samantha. "What? What are you saying?" "I saw someone outside. H-Hindi ko alam kung lalaki ba o babae. May hawak siyang baril. I-I don't know how to react that moment. I can't see its face. Nasa madilim siya at nakasuot ng hoodie." "What?" Kahit hubo't hubad, tumayo pa rin si Travis at kinuha ang towel malapit lang sa kaniya. Pinunasan niya ang kaniyang katawan bago iyon ipinulupot doon. Humakbang siy