KABANATA 44.2

1644 Words

DAHAN-DAHANG bumaba si Isabella sa sasakyan at bumaling sa bahay nila. Hindi magkamayaw ang puso niya ngayon at para bang kakawala na iyon sa kaniyang dibdib. Hindi niya alam ang gagawin niya ngayon at para bang napako siya sa kaniyang kinatatayuan. Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa sa hindi malamang dahilan. "Kailangan niyo po ba ng tulong, Ma'am Isabella?" Mabilis na bumaling si Isabella kay Manong Kanor. "H-Hindi po, Manong Kanor. Salamat nga po pala sa paghatid sa akin dito." "Wala po iyon, Ma'am Isabella. Paano ba iyan, uuna na po ako. Mag-ingat na lang po kayo rito. Kung kailangan magkandado ng pinto, gawin niyo po para sa kaligtasan niyo." Nakangiting tumango si Isabella. "Maraming salamat po, Manong Kanor. Mag-iingat po kayo pagbalik niyo sa Maynila." Tanging tango lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD