"HINDI ko po alam kung paano ko po kayo mapapasalamatan, Tita Melissa. Tinulungan niya po akong makawala kay Albert. Matagal ko na po itong gustong mangyari at hindi ko po inakala na ikaw pa po ang gagawa noon. Marami po talagang salamat sa inyo..." emosyonal na saad ni Isabella habang nakatingin dito. Lulan sila ng kotse ngayon. Sa katunayan, kakagaling lang nila sa presinto dahil hiningian siya ng mga impormasyong kailangan ng pulis. Inamin niya sa mga ito na totoo ang sinabi ni Tita Melissa sa mga ito na nagbebenta talaga ng ipinagbabawal na gamot si Albert at ikinulong pa siya sa isla. Patong-patong na ang kaso ni Albert ngayon at ipinagdadasal ni Isabella na sana'y hindi na makalaya ang lalaking iyon dahil kapag nakalaya ito, baka bumalik ito at muling sirain ang buhay niya. Balak n