KABANATA 43

2096 Words

"WHAT the..." bulong ni Travis habang nakatanaw sa mga pulis sa hindi kalayuan. Tumingin si Travis sa kaniyang cellphone upang siguraduhing dito nga ang lokasyong ipinadala ni Carl sa kaniya kanina. The map won't lie and it says it's really here. But where is Carl? Bakit puro pulis ang mga nandoon? Dahil sa pagtataka, tinawagan niya ang numero nito pero hindi ito sumasagot. Napaismid na lang si Travis sa inis at ibinato ang cellphone sa may passenger's seat at lumapit sa mga police. Bumaba siya ng kaniyang sasakyan at nang akmang tatawid na siya sa harang nang pigilan siya ng isang pulis. "Bawal po kayo rito, sir." "What happened here?" nagtataka niyang tanong at iginala ang tingin at ngayon lamang nakita ni Travis ang mga dugo sa kalsada at isama pa ang van na puno ng tama ng bala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD