Danica NAGISING ako sa nanlalabo ko pa ring paningin. Luminga ako sa buong paligid. Isang purong puting silid ang bumungad na sa akin. May ilang kama akong kasama sa loob nito kung saan mayroon ding mga pasyenteng nakahiga. Isang nurse naman ang nasa tabi ng kama ko at nag-aayos ng dextrose ko. Pilit kong pinagalaw ang kamay ko at kaagad na hinawakan ang braso niya ng mahigpit. "Ma'am, gising na po pala kayo. Huwag po muna kayong kumilos. Baka po makasama sa inyo." Pinakiramdaman ko ang sarili ko at pinagmasdan ang tiyan ko. Nakasuot na ako ngayon ng isang hospital gown, ngunit wala na akong nararamdamang masakit sa tiyan ko. Bagaman, kita ko pa ring medyo lobo pa rin ito hanggang ngayon. "K-Kumusta ang baby ko? A-Anong nangyari sa baby?" "Huwag po kayong mag-alala, Ma'am. Ligtas