CHAPTER 36: Blood

2760 Words

THIRD PERSON "Ano?!" napasigaw sa gulat si Bokyo matapos nitong marinig ang balita sa kanya ni Mason mula sa kabilang linya ng cellphone. "Bakit daw?" Kaagad nagsilapitan sa kanya ang tatlo niyang mga kasama. "Dinukot daw si Ma'am Danica ni Kaleb." Bigla na lamang namutla ang tatlo habang nakatitig sa kanya. "Lagot na." "Patay na tayo nito kay boss." "Anong gagawin natin?" "Sumunod na kayo. Puntahan niyo na si Mason. Papasukin ko na si boss sa opisina niya." "Okay." Kaagad nagsi-takbuhan patungo sa kalye ang tatlo, habang si Bokyo naman ay tumakbong muli papasok ng gusali. Sa likurang bahagi siya nito dumaan. Samantala, patuloy na sinusundan ni Mason ang kotseng kinalululanan nila Danica, Kaleb at ng dalawa pa nitong kaibigan. Mabilis ang takbo ng kotse at alam niyang sinusubukan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD