Danica "Didn't we talk about this? No more f*****g agreement! Stop doing this." Naglitawan ang mga ugat niya sa leeg at noo. Kaagad akong naglakad palapit sa kanya. "D-Dave, h-hindi naman 'yan tungkol sa kasunduan natin. Gusto lang kitang tulunga--" "I SAID STOP DOING THIS!! YOU CAN'T HELP ME!! I DON'T NEED YOUR f*****g HELP!!" Kamuntik na akong mapatalon sa gulat. Halos mabingi ako sa lakas nang pagkakasigaw niya sa akin. Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko. Kaagad na nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Napakadilim ng anyo niya at napakatalim nang pagkakatitig niya sa akin. "You can't help me in this f*****g matter. Hayaan mo na ang buhay kong ganito! If you don't stop, you better just forget about me!" Nagulat ako nang bigla niyang sipain ng malakas ang swivel chair ko a