ONE MONTH LATER Daisy "Ang gwapo naman ng Tatay namin!" bulalas ko nang makita kong nakasuot na rin ng isang magarang tuxedo ang ama ni Lance. Tanging tungkod na lamang ang gamit niya ngayon. Nakaalalay naman sa kanya ang personal nurse niya. "Parang biglang bumata si Tiyong, ah," nakangiting saad naman ni Tita Danica. "Bagay na bagay sa inyo." Nangingiti din naman si Tatay pero bakas ang hiya sa kanya. "Parang hindi yata bagay sa akin. Ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito." My heart softened at what he said. Hindi ko na naman mapigilang hindi maluha. Sinasabi nga niya sa akin palagi na hindi raw siya nababagay tumira sa isang expensive condo unit na tirahan namin ni Lance noong nasa Manila pa kami. Hindi raw niya deserve ang mabigyan namin nang nakakaantig-damdamin na treatment ka