Danica KINABUKASAN ay maaga kaming umalis ng bahay upang magsimba. Sa Saint Anne Parish Church kami nagtungo kung saan madalas kaming magsimba noon nila Mama at Lance. Nasa tabi lang nito ang kumbento kung saan tumira naman noon si Dave. Pagbaba namin ng kotse ay kaagad akong napatingala sa mataas na puno ng ylang-ylang dito sa bakuran ng church. Mukhang nag-uumpisa na muli ito ngayong mamulaklak. Nakalipas na kasi ang bagyo at magsisimula nang muli ang summer. Matatapos na rin ako sa 2nd year college. Ganun din si Lance sa Grade 4. Nakakatuwa lang isipin. Sobrang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang. Napansin kong nakatingala rin si Dave sa puno ng ylang-ylang. Siya ang may buhat ngayon kay Dasia habang sakay ito ng baby carrier. Si Lance naman ay nahuling lumabas ng kotse na