Danica "Babba. Babbaba." Kasalukuyan ako ngayong nagliligpit ng mga pinaghubarang damit ni Dave na iniwan niya lang dito sa sahig malapit sa banyo. Pati ang paglalagay nito sa laundry basket ay kinatatamaran na rin niyang gawin ngayon. Nasa kama na siya ngayon at nakadapa habang half-naked. Bagsak ang katawan niya na para bang palaging hinang-hina. Pakiramdam ko ay hindi siya nakakatulog sa mga nagdaang gabi. Kasama niya sa kama ang anak namin na ngayo'y naglalaro naman sa tabi niya kasama ang mga toys nito. Naka-on pa ang tv at nasa cartoons ito ngayon. Nanonood din naman ang anak namin. "Babba. Babba." Humahaba ang nguso nito at nanlalaki ang mga mata habang nakatunghay sa tv. Hawak niya ang isang laruan niya. Nagpatuloy naman ako sa pagliligpit ng mga kalat. Binuhat ko ang mga ba