Daisy KINABUKASAN ay bumiyahe na kami patungong Baguio kasama sila Tita Danica at Tito Dave. Saturday ngayon kaya sumama rin sila Matteo at Dawn. Naiwan naman sa Manila sila Meteor at Dasia. Dahil bukod sa may work si Dasia, may napansin akong kakaiba sa kanya kanina lamang. Kaninang umaga kasi ay nagtungo muna kami ni Lance sa bahay nila sa Greenwoods. Doon na kami dumaan dahil helicopter na ang ginamit namin patungong Baguio na pag-aari ni Tito Dave. Regalo iyon sa kanila ni Lolo David noong ikasal sila ni Tita Danica. At mayroon din kami niyan sa Baguio. Kanina ay nalaman kong ilang araw na ring hindi pumapasok sa trabaho si Dasia dahil masama daw ang pakiramdam. Nilagnat daw ito ng isang araw. Hindi rin makatingin sa akin ng tuwid habang kinakausap ko. I asked her if she went to PBN