Daisy NAGKAROON ng malaking salo-salo sa aming mansion. Inimbitahan din ni Mommy sila Tita Lorena, Tito Peejay, Lolo Isaac, Lola Marceline at mga pinsan ko. Ganun din sila Tito Dexter, Tita Diana at mga pinsan ko sa kanila. Kasama din sila Tito Dylan, Tita Sam at mga pinsan ko naman sa kanila. Nakipag-video call na lang sila sa mga kapatid pa ni Dada na nasa Manila at ipinaalam ang sitwasyon namin ngayon ni Lance. Maging sila ay nagulat din dahil kilala naman nilang lahat si Lance. Pero sa huli ay sumang-ayon din naman silang lahat, lalong-lalo na si Lolo David. "That's not a problem at all. They are both of legal drinking age now, and I'm confident Lance will take good care of Daisy." Napangiti ako sa sinabi ni Lolo. Habang nakaharap kami sa kanila, si Lance ay buong oras namang hawak