Danica ANG MGA SUMUNOD na araw ay balik-normal nang muli ang buhay namin. Nagpatuloy kaming muli ni Lance sa pag-aaral. Si Daemon ay kinukumu-kumusta ko sa phone? Ayon sa kanya, next week ay magtutungo na siya sa pamilya ni Mhina sa Bulacan para suyuin ang pamilya nito at kunin doon ang mag-ina niya. Kinakabahan ako sa nais niyang gawin. Sana lang ay hindi siya mapahamak doon. Sana ay bantayan pa rin siya ng pamilya niya. Si Dave naman ay mas naging abala pa ngayon sa trabaho. Nababawasan na ang pagti-text at pagtawag-tawag niya sa amin sa buong maghapon. Palagi na siya ngayong nasa meeting at humaharap sa mga bago niyang client at mga kapwa negosyante. Mas naging masigasig pa siya ngayon at nagdagdag ng mga makabagong perfume scent na may iba't ibang klase ng amoy. Nakalikha na rin k