Danica "Okay na. Ang gwapo," puri ko sa mahal ko matapos kong ayusin ang necktie niya sa leeg. Sumilay naman ang pilyong ngiti sa mga labi niya. "And you look stunning in your dress. Baka sa iyo na lang mapunta ang buong atensyon nila." Natawa naman ako sa sinabi niya. "Imposible." "Why not? Kahit si Miss World ay kayang-kaya mong tapatan." Humapit ang mga braso niya sa baywang ko at tangkang hahalik sa mga labi ko. Ngunit kaagad akong umiwas sa kanya. "Mabubura ang lipstick ko." "Pwede mo naman 'yan ulit lagyan." Wala na akong nagawa pa nang hawakan na niya ang batok ko at siniil na ng maalab na halik ang mga labi ko. Nakangiti ko na lamang siyang tinugon. Ngunit naagaw ang atensyon namin nang biglang tumunog ang phone ko. Kaagad din kaming kumalas sa isa't isa. "Baka si Daemon n