Danica "So, ikaw pala ang magmamana ng Johnson's Pawnshop Company?" tanong ko kay Daemon. Kasalukuyan na kami ngayong naglalakad pabalik sa mga kotse namin. At may ilan na kaming napapagkwentuhan tungkol sa buhay niya. "Bale, kaming dalawa ng kapatid kong si Monique ang susunod nang hahawak no'n. Mom is still the current CEO." "Matanong ko lang. Nag-iisa lang bang anak ang Mommy mo?" Napatitig ako sa kanya. "May bunsong kapatid si Mommy na ipinahahanap ngayon ni Lolo. Dalawa lang silang magkapatid. Si Tita Melody." Napahinto ako sa sinabi niya. Ipinahahanap? Talaga ba? 27 years old na ako ngayon at sa loob nang napakahabang panahong 'yon ay hindi man lang nila nahanap si Mama? Hinahanap ba talaga o hindi? Ipina-subasta pa nga nila ang isa sa mga gamit ni Mama noong nakaraang taon l