Danica 'Hi! Sorry for the inconvenience. Siguro ay nakalimutan mo na ako dahil halos one-year na rin ang nakalilipas simula noong magkaharap tayo sa hospital. Ako nga pala si Danica Jane Basallote. Ako ang ina ni baby Angel na iniwan ko sa iyo sa hospital. Gusto ko sanang malaman kung may alam ka sa nangyari sa anak ko matapos ko siyang iwan sa iyo sa hospital? ... If you have time. Please, contact me at the number 09560000012... Sana ay mabigyan mo ako ng pansin kahit sandali lang.' Kaagad kong ipinadala sa email ni Daemon ang message ko. Naalala kong bigla 'yong eksena noong pumasok siya sa silid namin sa hospital at naroroon din ang asawa niyang si Mhina. Ano kaya ang nangyari sa anak nila? At ano ang dahilan kung bakit nagtungo sa morgue si Daemon? Tatlo ang sanggol na naroroon. Hin