Danica NAGPATULOY kami ni Lance sa online class kahit nasa Thailand kami. Nauuna lang naman ng isang oras itong Thailand kaysa sa Pilipinas kaya wala kaming naging problema. Habang kami ay nagka-klase ni Lance, si Dave naman ay nagtatrabaho din through online. Binabantayan niya pa rin ang negosyo niya sa Pilipinas. Pagkatapos naman ng pananghalian namin ay may time na kaming lumabas at mamasyal. Dito ay safe kami at walang inaalalang hahabol-habol sa amin. Kauna-unahan naming tinungo ay ang The Grand Palace. Isa itong royal compound na may mga nakamamanghang structures na nagpapamalas sa mga pinaka-decadent na modernong monarch. Grabe, sobrang ganda. Sa tanan ng buhay ko ay hindi ko akalaing makakarating pala ako sa lugar na ito. Ni sa panaginip ay hindi ko man lang ito nakita. Kumu