Danica SUMUNOD NA MGA araw ay ipinagpatuloy ko ang pangangalap ng impormasyon tungkol sa mga Delavega. Malaking tulong talaga na mayroon ako ngayong laptop at internet. Natutunan ko rin ang paggamit nito mula kay Dave at noong mag-umpisa na akong mag-aral. Naghanap ako ng paraan upang ma-contact ko isa man sa mga Delavega. Ang kambal na Derrek at Devin ay CEO at presidente ng Rrevin Philippines Incorporated. "The country’s largest distributor of laminated flooring and other products with almost 10,000 dealers nationwide... Wow. Kakaiba naman itong negosyo nila kumpara sa mga kapatid nila." Ang mga nasa poder ni David ay tumutulong ngayon sa pamamahala ng mga nasimulan nilang magkakapatid na mga negosyo. Si Darell Delavega ang nakita kong iba din ang propesyon. Isa siyang architect, at