Danica TATLONG ARAW lang ang naging renovation ng room ng baby namin. "We are now at the door. Be careful," ani Dave habang inaakay niya ako papasok sa room. Tinakpan niya ang mga mata ko gamit lang ang mga kamay niya. Hindi ko pa kasi nakikita 'yon. Sa tuwing wala ang mga constructor ay ikinakandado niya ang pinto nito. Isu-surprise na lang daw niya ako kapag natapos na. At heto na nga. Natapos na ayon sa kanya at si baby na lang ang kulang. "Nandito na?" tanong ko sa kanya. "Yep. Now take a look at it." Naramdaman ko ang pag-alis ng mga kamay niya mula sa mga mata ko. Unti-unti ko namang idinilat ang aking mga mata. At ganun na lamang ang pagnganga ko nang matunghayan ko na ang napakagandang pagkakaayos nitong silid. "Wooow!" Kaagad akong pumasok sa loob at inilibot ang paningin