Danica ISANG ARAW lang kaming nanatili sa hospital. Pinayagan na rin naman nila akong makalabas dahil okay naman daw ang lahat ng vital signs ko. Malakas naman ako. Ayon nga sa doctor ay parang hindi daw ako nanganak. Normal lang ang lahat sa akin. Medyo makirot lang talaga ang pwerta ko dahil sa tahi ko. Medyo malaki kasi si baby kaya ginupitan nila ako sa gilid at tinahi. Pero tolerable naman. Marami pa ring dugo ang lumalabas sa akin, pero ayon sa doctor ay vaginal discharge lang ito na binubuo ng dugo, mucus, uterine tissue, at iba pang materyal mula sa uterus ko. Tumatagal daw ito hanggang anim na linggo pero normal naman daw ito. Unti-unti naman daw itong hihina sa mga susunod na linggo hanggang sa tuluyan na siyang mawala. Ilang araw na nga ang nakalilipas simula noong makauwi