Danica "Bye-bye, Daddy!" "Dadada... Dada..." Nagkakawag ang anak ko habang nakatanaw sa Daddy namin na ngayo'y bumababa na ng hagdan. "Papasok na ulit si Daddy sa work. Say hi, Daddy. I love you. Ingat sa biyahe at sa work." "Dada. Dadada..." Napangiti naman ang Daddy namin habang nakatitig sa baby namin. Kasalukuyan kong buhat si Dasia dito sa living room. Kanina ay nagpaaraw kami sa garden kasama ang Daddy niya. Si Lance naman ngayon ay nasa klase na. Lumapit sa amin si Daddy at humalik sa amin ni baby. Iniabot niya kay Bokyo ang briefcase niya. "I love you. Sasama ka ba kay Daddy?" pagkausap niya sa baby namin. "Dada. Dada." "Next time ulit. Ipapasyal ka ni Daddy. Late ka na sa klase mo, Hon," turan naman niya sa akin. Muli niya akong hinalikan sa mga labi ko. "Oo, aakyat na