Danica KANINA pa ako nakatitig sa numero ni Mr. David Delavega sa phone ko. Kinakabahan ako at hindi ko alam kung paano ko uumpisahang sabihin sa kanya ang tungkol kay Dave. Lumipas na ang ilang araw. Naging abala na akong muli sa klase ko. Si Daemon naman ay hindi na nagparamdam pa sa akin. Kumusta na kaya sila ni Mhina ngayon? Gustuhin ko man siyang tawagan at kumustuhin, hindi ko magawa dahil ayoko nang makagulo pa sa kanila ni Mhina. Baka pagsimulan na naman nila ako ng gulo. Si Dave naman ay abala na naman ngayon sa trabaho niya. Nandito ako ngayon sa nursery room at kasalukuyang sumususo sa akin si Dasia. Kanina pa rin niya pinipindot-pindot itong kabila kong u***g. Muli na namang sumirit ang gatas nito. "Huwag mo nang pindutin 'yan, anak. Sayang ang gatas." Kaagad ko itong tin