Danica INASIKASO na muna niya ang anak niya. Nagkaroon sila ng bonding moments bago ito nakatulog sa kandungan niya. Siya na rin ang nagpadede dito sa feeding bottle. Kung pwede nga lang ay sa akin ko na lang sana siya pinasuso. Matapos niya itong mailipat sa silid ay saka kami nag-dinner nang kaming dalawa lang sa dining room. Pagkatapos ay nagsimula na siyang uminom ng alak. "Do you want some?" "Hindi. Hindi ako umiinom ng alak. Pang-wine lang talaga ako." "I won't force you because you have a boyfriend waiting for you. It might start trouble." "Oo." Kanina ay nag-text na ako kay Dave at ipinaalam sa kanya ang lugar na kinaroroonan ko. Thumbs up emoji lang naman ang isinagot niya sa akin. "Mag-wine ka na lang para naman may kasalo pa rin ako." Naglabas siya ng isang bote ng win