Danica "Nag-text na ako kay Daemon. Dito na lang ako magpapasundo sa kanya. Gusto mo bang sumama?" Kasalukuyan na ako ngayong nag-aayos ng sarili ko dito sa walk-in closet. Isang simpleng dress lang ang isinuot ko. Hindi seksi at si Dave ang pumili nito. Para lang akong magmo-mall sa postura ko. Sabay kaming naligo kanina at hinayaan kong angkinin niya ako sa banyo. Baka makatulong 'yon upang maging maayos ang isipan niya. "Susunod na lang ako. Saan ba talaga kayo pupunta?" Kumuha na rin siya ng damit niya. Isang pang-alis din. Mukhang susunod nga rin siya. "Baka sa isang restaurant lang. Dinner lang naman ang sinabi niya. Gusto kong makuha ang loob niya. Gusto kong makilala niya rin ako balang-araw." Hindi naman siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa pagbibihis. Isang casual attire.