Danica KAHIT HINDI pa puno ang shopping cart namin ay itinulak ko na kaagad ito patungo sa mga nakahilerang counter. "Hey, Hon. Akina si baby." Kanina pa humahabol sa akin si Dave ngunit hindi ko siya pinapansin. Hindi ko rin ibinibigay sa kanya si Dasia. "Ako na lang." Inagaw na lang niya mula sa akin ang shopping cart at siya na ang nagdala nito sa counter. Naisipan ko na lang lumabas ng counter at doon na lamang maghintay. Si Lance naman ay sumunod sa kuya niya. Pasulyap-sulyap sa akin si Dave ngunit hindi ko siya pinapansin. Naroroon na si Mason. "Momma, Momma... Mama..." Sinisimulan nang dukutin ni Dasia ang dibdib ko. Nakaharap siya sa akin habang sakay ng carrier niya. "Mommama... Mama..." Humihikbi na siya habang nakatingala sa akin. Para bang may gusto siyang sabihin.