Danica HABANG nasa loob kami ng birthday party ni Daemon ay sinimulan ko na ngang ikwento kila Mhina at Daemon ang buong pangyayari sa buhay namin ni Dave. Wala na akong itinago pa na kahit anong sikreto sa kanila. Nakinig din sa amin si Tita Monalisa. "Kaya I'm so sorry, Mhina," ani ko kay Mhina. Ngumiti din naman siya sa akin. "Bakit sa kanya ka lang nagso-sorry? Pinaniwala mo rin ako," nakasimangot namang saad ni Daemon. Natawa ako sa reaction niya. "Sorry din. Mahirap kasi ang naging kalagayan ni Dave. Kailangan kong mag-ingat sa bawat hakbang ko, sa bawat salitang binibitawan ko sa kanya. Hindi ganun kadali ang magkaroon ng depression. Sobrang hirap. Isa itong seryosong bagay na kinakailangan ng medical attention." "You're right, Danica," sabat naman ni Tita Monalisa na siyang