BLAIR VIPER TORO TINALIKURAN ko na s’ya at humakbang na ako pero narinig ko agad ang mabibilis n’yang mabibigat na mga yabag palapit sa ‘kin. Bago ko pa s’ya malingon, nabigla na lang ako nang kinapitan n’ya na naman ang likuran ng kwelyo ng batok ko. Marahas n’ya akong hinila na ikinaresulta ng nawalan ako ng balanse. Hindi na ako nakapagprotesta at kinaladkad n’ya ako pabalik sa dayamihan. Doon n’ya ako binitawan. Napa-higa ako sa tumpok ng dayami. “Ano na naman ba ang problema mo?” Sinalubong ko ang matatalim n’yang mga mata. “Stop goofing around and wear your fùcking underwear.” Bahagya ko s’yang binabaan ng talukap ng mga mata. “Wala nga akong masuot na bra, panty pa kaya?” “Then you should have told me,” mariing tugon n’ya. “Wala ako sa lugar na sabihin ang mga personal na