BLAIR VIPER TORO Ang sarap damahin ang banayad na hangin. Napapansin ko na lang na bumabagsak-bagsak na pala ang talukap ng mga mata ko. Sinubukan kong kayanin ang antok ko pero mas’yado akong komportable sa paligid. Naka-tulog ako. “Wake up, we have to head back now.” Hindi ko alam kung ilang minuto akong naka-tulog pero parang ang bigat-bigat ng mga mata ko. Pag-dilat ko, nabigla ako nang masilayang nagkukulay orange na pala ang kalangitan. Samantalang bago ako naka-tulog, nasisilaw pa ako sa sinag. Inangat ko agad ng tingin si Regis. Naka-tayo s’ya sa harapan ko habang kapit-kapit ang lead rope ng kabayo n’ya. “Bakit ngayon mo lang ako ginising?” “You sleep like a dead person." Sumakay na s’ya sa kabayo at naunang nag-lakad palayo. Tinayo ko naman kaagad ang sarili ko. Sinundan ko