BLAIR VIPER TORO NAWALA ang lahat ng antok ko sa sigaw sa ‘kin ni Mang Pablo. Bumalikwas ako sa pagkakabangon. “Hanapin na natin! Alam mo na ang magagawa sa ‘yo ng mga boss kapag malaman nilang naka-wala ang mga alaga nilang kabayo!” Tumakbo na agad ako palabas sa istabla. Sinundan kaagad ako ni Mang Pablo. Madapa-dapa na nga ako dahil ang dilim-dilim talaga ng paligid. Ngayon ko lang din napansin na matubig pala ang damuhan. “U-Umulan ba kanina?!” “Kinse minutos na siguro ang nakalipas na huminto ang pag-buhos ng ulan! Lubos-lubusin na natin! Wala pang mga soldiers na naka-aligid sa istabla ngayon pero babalik din sila maya-maya!” Palakas ng palakas ang t***k ng puso. Habang tumatakbo, parang malalaglag sa lupa. Gamit ang dalang flashlight ni mang Pablo, iyon ang ginamit namin p