BLAIR VIPER TORO ALAS DOS na kami ng madaling araw naka-tulog ni Regis. M atutulog sana ako ng maaga dahil sa pagod sa biyahe pero ‘tong taong ‘to, parang ayaw n’yang humiga sa sahig at kulang na lang, sa kuna na lang din s’ya ni Brior humiga. Ayaw n’yang tantanan ang anak ko. Hindi na rin ako inantok sa ingay n’ya at sinabayan ko na lang sa pagpupuyat. “Good morning, mommy… time to wake up… we have to go the cemetery…” Sa kahabaan ng pagpapahinga ko, umugong ang malalim na boses ni Regis sa mga tainga ko. Dahan-dahan akong tumihaya kahit pa naka-pikit ang mga mata ko. “Look, gising na si Mommy baby…” Sinubukan kong idilat at naningkit ang paningin ko nang bumungad sa mga mata ko ang liwanag. Nasilayan ko pang naka-tayo na pala si Regis sa paanan ng kama habang buhat-buhat si Brio