BLAIR VIPER TORO “No, boss… I can see the resemblance to show that he is your son.” Iyan ang pormal na pahayag ni Chadler. “Isn’t he the most adorable baby you have ever seen?” Kaagad naman na s’yang sumangayon sa pahayag ni Regis. “I am sure everyone will be shocked if they saw that baby.” “It sure it is…” Natatawang tugon ni Regis. Pag-dating namin sa simenteryo, namukhaan pa nga kami ng nagtitinda ng kandila at bulaklak doon. Gulat na gulat at napagkamalhan pa kaming mag-asawa ni Regis. Kulang na lang din, lalapad ang tainga n’ya at parang papakyawin pa ang mga paninda. Matapos maka-bili ng mga kakailanganin, tumungo na kami sa puntod nina mama at Brion. Kumpara noon, kapag sa tuwing bumibisita ako rito, ramdam ko ang kabigatan ng dibdib ko. Pero ngayon, napansin kong hindi