REGIS DEMORGON C85

1204 Words

BLAIR VIPER TORO Doon ko s’ya tinulak palayo sa ‘kin sabay tumalikod. Pinikit ko na ang mga mata ko. “Baby, we are going to the farm tomorrow….together with our baby Brior.” “Oo na, Regis. Ipikit mo na ‘yang mag mata mo at matulog ka na rin.” “Roger that.” Matapos ang usapan na ‘yon, naka-tulog naman ako ng payapa. Paggising ko, wala na sa tabi ko ang anak ko. Akala ko nahulog sa kama pero naagaw ang aking atens’yon sa balcony. Tinatangay ng banayad na hangin ang manipis na puting kurtina at nasisilayan ko roon na nilalaro na naman ni Regis si Brior. Hindi muna ako bumangon. Nakaharap ako roon at bahagyang naka-mulat ang mga mata ko pero hindi naman n’ya iyon mahahalata. Naghahagikhikan silang dalawa. Ang ganda nga pakinggan ng tawa ng anak ko. “Say… da... dy… say it, baby…”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD