BLAIR VIPER TORO “W-What’s the meaning of this, Regis?” Nang maka-apak na sila sa cottage, doon ko pilit na ikinurba ang mga labi ko at tumayo na kami sa pagkakaupo ni Regis habang karga n'ya si Brior. “Dad, Mom, meet Blair… she is the girl that I always talk about, and this… cute baby… is Brior.” “A-Apo ba namin ‘yan?!” malakas na sigaw ng nanay n’ya at parang maluluwa na rin ang mga mata. “Is this for real, Regis?!” Natatawang tumango si Regis. Doon na s’ya napa-takip ng bibig at binalingan ng tingin ang asawa n’yang naka-awang din ang mga labi. Gulat na gulat ang mag-asawa pero pormal na rin akong nagpakilala sa kanila at nag beso na rin. Si Sir Legis at Madame Mirabella ang mga pangalan nila. Mangiyak-ngiyak pa nga si Madame nang binuhat na n’ya si Brior at napapatulala si Sir